Create an account and login to remove all advertising.

Tekken 6: Bloodline Rebellion

Mula sa Tekkenpedia Filipino

Tekken 6: Bloodline Rebellion
Platforms Arcade, PlayStation 3, Xbox 360, PlayStation Portable (as Tekken 6)
Release Date Arcade
  • December 10, 2008 (Tokyo) ([1])
  • December 18, 2008 (Japan) ([2])
  • January 9, 2009 (?) ([3]) (International)

PlayStation 3, Xbox 360, Playstation Portable (Dubbed as Tekken 6)

  • October 27th 2009(US/NA) ([4]).
  • October 29th 2009(JPN)
  • October 30th 2009(EU/AU)

PSP:

  • November 24th 2009 (US/NA)
  • December 10th 2009 (AU)
  • December 11th 2009 (UK/EU) [[5]]
  • January 14th 2010 (JPN)
Arcade System Octave Engine, System 357

Ang Tekken 6: Bloodline Rebellion ay isang bagong salin ng Tekken 6. Ang opisyal na pagpapahayag nito ay noong Agosto 28, 2008. Ang larong ito ay ipinalabas sa Arcades noong December 2008, October 2009 sa PlayStation 3 at Xbox 360, at December 2009 para sa PlayStation Portable (PSP). Ang opisyal na treyler ay ipinalabas sa AM Show noong Setyembre 18, 2008 sa Tokyo, Japan. Katulad ito ng Tekken 5: Dark Resurrection na salin ng Tekken 5. Ang tagline, na makikita sa mga bagong treyler, ay "What do you fight for". ([6]).

Mga nilalaman


[baguhin] Mga Katangian

Alisa Bosconovitch.
Lars Alexandersson.

Ang Tekken 6: Bloodline Rebellion ay may dalawang bagong karakter, Alisa Bosconovitch, na nilikha ni Doctor Geppetto Boskonovitch ([7]), at si Lars Alexandersson, na inilarawan na isang "kakaibang dayuhan" ([8]).

Maraming pagbabago, maliban sa dalawang bagong karakter, ang ipinakilala sa Bloodline Rebellion, tulad ng mga bagong entablado (anim sa ngayon), mga bagay na nakakapagbago (customization items) (kasama doon ang tinatawag na Character Dressup, pagpayag ng "Item Move" na katangian), at ang bagong-bago na katangian na kung saan pinapayagan ang mga manlalaro na baguhin ang buhok ng karakter, tulad ng gupit at kulay ng buhok; sa madaling salita, maaari mong gawan ng sariling uri ng gupit ang karakter. Sinubukan rin ng Namco na ibalanse ang mga karakter, dahil maraming karakter (tulad ni Bob) ay sobrang lakas sa Tekken 6 ([9]).

Mula Tekken 6 papuntang Bloodline Rebellion, ang mga Tekken-Net ID kard na may ranggong mababa sa pula (mula sa "Conqueror" na ranggo at pababa) ay ginawang "1st DAN". Ang mga ranggo na mas mataas sa pula ay hindi nabago ([10]).

Mayroong gintong salin din ang huling puno sa laro, Azazel. Para mapuntahan iyon, kelangan mong laruin ang moda na arcade na hindi umuulit upang makapunta doon. Nagbabago rin ang kulay ni Azazel at nagiging pula/dalandan kapag bumababa ang buhay nito, na makikita sa opisyal na treyler (at 3:09 - 3:12).

Ang espesyal na puno ng laro, si Nancy-MI847J, ay mukhang di nagkaroon ng pagbabago. Ngunit parang nabawasan ang sira na nakukuha nito sa mga atake. Sa salin ng konsole, nalalaro ito sa ikalawang entablado ng "Scenario Campaign".

Mula noong Miyerkules, Disyembre 3, 2008, sa isang pakikipanayam kay Katsuhiro Harada, ibinunyag na ang Namco / Namco-Bandai ay "pinag-iisipang" isama ang mga para sa konsole na mga karakter sa PlayStation 3 at Xbox 360 na mga salin ng laro. ([11] at [12]).

May mga bagong "Item Move" rin na katangian para sa mga karakter na si Lili, Xiaoyu, at iba pang karakter.

Ang bagong moda, "Scenario Campaign", ay magiging kasama sa mga para sa konsole na salin ng laro. Maaaring laruin ng mag-isa, may kasama, o online. Katulad ng Tekken Force na laro sa Tekken 3, Tekken 4, Devil Within ng Tekken 5, ang mga mandirigma ay pumupunta sa mga lugar at talunin ang mga kalaban, nauna si Lars at ang kanyang robot na kasama na si Alisa na unang karakter na pwedeng laruin sa modang ito.

[baguhin] TapouT

Noong Hulyo 26, 2009, ipinahayag ng Namco Bandai na magsasama sila ng TapouT isang "mixed martial arts" na kompanya ng damit. Dahil dito, mga TapouT na damit ay pwedeng gamitin bilang panlahat bagay na nagpapabago sa konsole na salin ng laro. Magkakaroon rin ng mga mabibiling t-shirt ([13]).

[baguhin] Mga Laraman

[baguhin] Listahan ng mga Karakter

*Bago Tekken 6
**Bago sa Tekken 6: Bloodline Rebellion

[baguhin] Mga Entablado

*Ay isang multi-tier na entablado
**Bago sa Tekken 6: Bloodline Rebellion
***Mapipili lamang gamit ang Random Select

[baguhin] Mga Nagawa / Mga Tropeo

Tingnan ang Tekken 6/Achievements and Trophies para sa buong listahan.

Ang salin na para sa konsole ng Tekken 6 ay ipapakita ang mga nagawa / tropeo kapag natapos ang isang gawain. Maliban sa mga nakalista, may labindalawa pang nakatago.

[baguhin] Mga Palabas

[baguhin] TEKKEN 6 "Vengeance" Treyler

[baguhin] TEKKEN 6 "Iron Fist Tournament" Treyler

[baguhin] TEKKEN 6 "Atari Live" Treyler na May Kasamang Laro - XBOX 360 at PS3 na Introduksyon

[baguhin] Tekken 6: Bloodline Rebellion - Panimula at Palabas ng Laro

[baguhin] AM Show 2008 Treyler

[baguhin] Pakikipanayam kay Katsuhiro Harada

[baguhin] Ikalawang Pakikipanayam kay Katsuhiro Harada

[baguhin] Maikling Treyler

[baguhin] Bagong Konsole / NOVO na Treyler

[baguhin] "Power is Everything" na Treyler

[baguhin] GameSpot Tekken 6 Konsole na Pakikipanayam - 4/29/09

[baguhin] PS3 - Tekken 6 Araw ng Editor - Game Play Montage

[baguhin] PS3 - Tekken 6 Araw ng Editor - Treyler

[baguhin] Tekken 6 E3 2009 Treyler

[baguhin] Tekken 6 Gamescom Treyler

[baguhin] Tekken 6 Introduksyon sa Konsole

[baguhin] PlayStation Portable na salin

Ang logo ng PSP na salin ng Tekken 6.

Noong Abril 28, 2009, ikinumpirma na ang Tekken 6 ay darating sa PlayStation Portable na konsole. Kasabay ito ng pagpapalabas ng PlayStation 3 at Xbox 360 na salin. Magkakaroon ng karagdagang entablado, mga gamit, at isang ad-hoc multiplayer na moda gamit ang "orihinal" at "paborito ng tagahanga" na mga karakter. Magkakaroon rin ito ng "Ghost" Infrastructure na moda, na kung saan pwede i-upload ng manlalaro ang kanyang data, at i-download ang data ng ibang manlalaro. Ang salin na ito ay may kasamang lahat ng pagbabago sa Bloodline Rebellion. Sa ngayon, walang ibang alam tungkol sa salin na ito.

Mga Pinagkukunan:

[baguhin] Mga Screenshot

[baguhin] Limitadong Edition

Magkakaroon rin ng limitadong edition para sa Playstation 3 at Xbox 360. Ang balutan na ito ay kasama ang Tekken 6 na laro, isang limitadong walang kawad na fight stick na ginawi ni Hori (itim para sa Playstation 3 at puti para sa Xbox 360) at isang kolektibol ni librong pang- sining. Ang Gamestop ay magbibigay rin ng espesyal nag pag-aalok para sa balutan na ito. Kasama dito ang Samurai Pack Downloadable Content na kasama ang opisyal na Cardboard Tube Samurai na damit na ginawa ng Penny Arcade para sa Yoshimitsu. At limitadong edisyon ng Samurai Battle Banners na kung saan pwede mong baguhin ang 40 na karakter, at isang Tekken Calendar na inilarawan ang bawat karakter sa magandang paraan.

[baguhin] Presyo

Ang PCB na salin ay may halagang 598,000 Yen ($5,557.07 USD, sa exchange rate ngayon). Ang Namco ay magbebenta ng Deluxe Cabinet sa halagang 1,038,000 Yen ($9,646.52 USD).

[baguhin] Mga Larawan

j

Create an account and login to remove all advertising.

Mga kagamitang pansarili